Martes, Setyembre 29, 2015

TIPS PARA MALAMAN MO CRUSH KA NG CRUSH MO,,


Paano mo malaman na gusto ka din ng crush mo? Kailangan mong alamin kung anung katangian meron ka sa pamamagitan ng pagtatanong sa ’yong mga kaibigan, kung ano ang nagustuhan nila sayo. Magtatanung ka din sa ibang taong nakakakilala sayo for second opinion. ‘Pag alam mo na ang mga katangian meron ka na wala sa criteria ng crush mo huwag mo nang piliting magustuhan ka dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Hindi mo kelangang baguhin ang sarili para mapansin ka, dahil darating din ang panahon na makakahanap ka ng lalaking magugustuhan ka kung anung ugali meron ka.

Mga Tips para malaman mo kung type ka niya

· Body language – Isa sa mga paraan upang makilala ang isang tao. Kapag interested ang tao sayo madalas nakatingin siya habang kayo ay nag-uusap. Tingnan mo din ang paa niya habang kausap mo siya, malalaman mong may gusto siya kapag nakaturo ito paharap sayo.

· Paselos style (Making you jealous) – Isa sa mga senyales na gusto ka , habang kausap sya ng mga kaibigan o kasamahan ninyong babae/lalaki ngunit nararamdaman mo na panay ang tingin sayo. Intensyon niyang pagselosin at mabaling ang atensyon mo sa kanya.

· Eye Contact – Tingnan mo maigi sa mata ang taong gusto mo habang kayo’y magkausap. Kapag lumaki ang pupil ng mata ibig sabihin type ka niya, dahil ang isang tao kapag may gustong bagay lumalaki ang pupil ng mata nito.

· Hulog Style – Isa sa mga paraan ang pag-hulog ng anumang bagay sa harapan o pag-dumaan ang crush mo, kapag pinulot niya at inabot sayo ibig sabihin crush ka niya. ( huwag laging mag-assume na gusto ka agad dahil pwede ding mabait lang ang crush mo).

· Text and Call - Malalaman mo na type ka ng lalaki/babae kapag nag-reply agad at gumagawa ng paraan para makapag-reply ka sa kanya. Kung Question and Answer lang ang nangyayari sa inyo at ikaw ang taga-tanung kelangan mo ng tigilan ang paghahanap ng paraan para mapansin ka, lalong-lalo na sa mga babae. Laging tandaan kapag gusto ka niya laging may oras sayo para magtext o mag-reply ng message mo. Malalaman mo din na hindi ka gusto ng crush mo kapag nag-text ka ng pagkahaba-haba at reply lang sayo ay “ok”, “ahhh”. Isa din sa mga senyales na interesado sayo kapag nagtext at nangangamusta siya about sa maghapon mo at nagkwekwento tungkol sa buong araw na nangyari sa kanya. Mas mahalata mo na gusto ka niya kapag tinawagan ka. Kapag ang isang tao tumawag sa’yo 11pm onwards, that is a good sign. ( Huwag kang mag-isip na gusto ka niya kapag tinawagan ka regarding lang sa ‘work’ pala).

· Inviting you out -

For women : Magandang senyales kapag niyaya kang lumabas, pero minsan hindi natutuloy ang lakad niyo ng crush mo. Kapag sinabi niya: “Can't make it tonight, sorry.” And nothing else? Not a good sign. Ibig sabihin hindi siya interested sayo. If he says, “Can't make it tonight. Are you free tomorrow instead?” Good sign. That means totoong may dahilan sa hindi pag-tuloy at gusto niya pa din lumabas kayo. Kapag ang lalaki nangako na magkita kayo at pagdating ng oras ng pagkikita ay bigla na-cancel ulit, wala siyang pakialam sayo.

For men: Para sa mga lalaki malalaman mo na attracted sayo ang girl kapag niyaya mo siyang lumabas at ang sagot “ I agreed to go out with you”. Minsan may mga babae na ayaw ipahalata sa lalaki na may gusto sya dito kaya ang nagiging sagot “ Titingnan ko”, kapag pumayag din sa bandang huli ibig sabihin type ka ng babae. Pero minsan ang sagot na “Titignan ko” ay paasa lang. Ibig sabihin ayaw niyang lumabas kasama ka at nahihiya lang siyang i-reject ka ng harap-harapan. For the second date kapag pumayag ulit ang girl na lumabas kayo, malaki ang chance mo, kapag nagdadahilan na sayo, pwedeng may ginawa ka na ikinaturn-off niya na hindi mo lang napapansin. Dapat mag-ingat ka sa first date nyo para iwas basted ng maaga. Kung ang girl may kasama sa first date niyo, ang dahilan ay nahihiya lang sayo at natatakot na baka anung gawin mo sa kanya. Pwede ding hindi ka talaga niya gusto.

· Hanging out with friends – Sa isang okasyon kung magkasama at magkatabi kayo ng crush mo at feeling awkward siya, kagaya ng pag-distansiya sayo kapag andyan ang mga katrabaho o kaibigan mo (para hindi kayo magmukhang mag-partner), maaaring hindi ka niya type. Malamang may gusto sayo ang crush mo kapag proud siya kinakausap ka sa harapan ng mga kaibigan niya at lagi kayong magkatabi sa party, dahil proud siya sayo.

For Women: Iba’t-ibang uri ng ugali meron ang mga lalaki, may mga lalaking pinaparamdam agad sa babae na may gusto siya dito. May lalaki din na mahiyain , nahihiyang lapitan ang babae para kausapin at nagkakasya na lamang sa pasulyap-sulyap. In short, Torpe. May mga lalaki din na dinadaan sa suplado effect kapag gusto niya ang babae. Laging galit ito sa babae at pamimintas ang ginagawa, para maagaw ang atensyon ng babae. At higit sa lahat, para itago ang nararamdaman sa babae.

For Men: Minsan may gusto sayo ang babae kapag suplada effect siya, like deadma ka niya pag-andyan ka, yung tipong parang hindi ka nag-eexist. Kapag type ka niya, hindi ito makatingin ng diretso sayo. Kapag naman magkaharap kayo habang nag-uusap, hindi siya mapakali sa pagkakatayo/pagkakaupo. Pagdating sa pag rereply ng text, may mga babae na hindi agad-agad sumasagot sa text. Gusto malaman ng babae kung magtetext pa ba ulit ang lalaki. Dahil gusto malaman ng babae, kung seryoso ba talaga at matiyaga sa kanila ang lalaki. (Pero kung mahigit sa 3 beses na text mo at hindi nagreply ang babae, talagang hindi ka type nito). Mahalata mo din na gusto ka ng girl, kapag niyaya ka niyang lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan, lalo na kung mag-partner kayo sa lakad ng grupo. May mga babae din na likas sa kanila ang pagkadalagang pilipina kaya dapat matiyaga ang lalaki pagdating dito.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento