Siya: Ano po pinagkaiba ng matalino sa madiskarte?Napaisip ako, sobrang napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng taong matalino at taong madiskarte? Kung may mga hindi nakapag-aral sa eskwelahan pero umaasenso rin ang mga ito at may mga mararangal na trabaho.
Ako: Para sakin kasi talino makukuha sa eskwelahan at ang diskarte ay sa karanasan.
Siya: Eh pano po yung mga di nakapag-aral sa eskwelahan? Edi madiskarte sila. So di dapat sila tawagin na matalino?
Medyo mag pagkapareho kasi ang Matalino at Madiskarte diba? Kasi hindi mo naman maiisip ang mga tamang diskarte kung hindi ka rin matalino. So lumalabas ang pagkadiskarte mo kapag matalino ka rin.
Kapag sa paaralan kasi ang pinag-usapan more on academic lang naman talaga kasi, pero yung diskarte eh yung hango mo sa tunay na buhay. May mga estudyante nga na sobrang diskarte eh, yung diskarte paano mangongopya, diskarte paano mangongodigo. Basta para sakin ang ibig sabihin ng diskarte eh yung paraan paano malusutan ang problema. At ang katalinuhan eh dedepende sa taong may hawak nito. Lahat naman kasi ng tao matalino eh, hindi lang nagagamit ito dahil tinatamad lang ang mga tao.
Hi boy
TumugonBurahin