"10 URI NG KAIBIGAN"
marami na akong kaibigan..
ngunit sa kasalukuyan, wala akong matalik na kaibigan..
ano nga ba ang kaibigan…
paano mo malalaman kung ang isang tao ay isang tunay na kaibigan?
ito ba ay yung mga kaibigan mo na nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay?
ito ba ay yung matagal mo nang naging kaibigan?
ito ba ay yung laging kang kinukunsinte sa lahat ng bagay?
ano ba ang kaibigan?
ito ba ay yung taong lagi mong kasama?
o eto yung taong hindi nang-iiwan at palaging nandyan hindi para
sumang-ayon sayo, kundi para tulungan ka bilang isang maging mabuting
tao…
sabi ng guro ko sa values, wag ka daw magagalit kung ang
kaibigan mo ay pinagsasabihan ka sa ilang mga bagay..dahil ito daw ay
ang mga taong totoo sayo..ito yung mga kaibigang gusto kang mapabuti….
sa aking paghahanap sa tunay na kahulugan ng kaibigan ay iba ang aking
nahanap…natuklasan kong mayron pa lang sampung uri ng kaibigan….
1. Simulan natin sa Kaibigang Artificial. Eto ang mga taong tinatawag
na “Plastik”. Sila ay kasing kunat ng plastik cover ng long brown
envelop. Sila ang iyong mga kaibigan pag nakaharap lang at pag
nakatalikod ay wala nang pakialam. Madalas kang makakarinig ng
magagandang salita galing sa kanila. Sila ung magsasabi na magaling ka,
kahit alam na ng marami na mahina ka doon. As in “Over na”.
2.
Sunod ay ang Kaibigang Talangka. Eto ang uri ng kaibigan na may pag
iisip na “Crab Mentality”. Sing liit ng crab ang utak nila kung magiisip
sa kapwa. Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na magbaba
sayo. Sila ang kaibigan na ayaw mahigitan o ayaw kang sumikat. Natatakot
silang mapagiwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din
sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay yan.
3.
Di rin mawawala ang mga The Parasites. Sila ang kaibigan na may linyang
“kapit sa matatag” Sing tibay nila ang Buldog super glue kung dumikit.
Ikaw ang positive at sila ang negative. Kung sa sentence sila ang
independent clause. Sila ang kaibigang lalapit sa oras ng gipitan,
magiging malambing kung kinakailangan at mambobola. Hindi sila mabubuhay
pag wala ang tulong mo. Magiging kaibigan mo sila sa mga oras ng
pagkakaipit. Pag nakuha na nila ang kailangan nila ay mawawala na sila.
4. Sunod ang mga Bodyguards. Eto naman ang uri ng kaibigan na laging
bumubuntot sayo. Mas matibay pa sya kay robin kung dumikit kay batman.
Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Gusto nila ay ang mga
gwapo, siga, astig, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila
ay magiging “cool” na rin sila. Galing noh.
5. Ang isa pa ay ang
mga Ka-i-bi-gan. Sila ang kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay
Juliet. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa
dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila ang iyong kaibigan na may
malalim na pagtingin sayo.
6. Sunod ay ang mga The Mushrooms. Eto
ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute. Sing tigas ng mukha
nila ang bakal at hindi sila tintablan ng kalawang. Sila ang mga
kabigang nagpapakita pag may birthday, binyag, kasal, swimming, outing
at kung anu-anu pa mang espesyal na okasyon. Magugulat ka na lang at
tatawag sila sayo at magtatanong kung pwedeng sumama sa mga lakad mo ng
“libre!”
7. Syempre ang mga The Traitors. Sila ang kaibigang
nang-iiwan ng kaibigan. Daig pa nila si terminator na mag terminate ng
kaibigan. Sila ang mga kaibigan sa iyong mga paningin. Sila ang mga
kaibigan mo pero hindi ka nila kaibigan.
8. Ang mga
Brothers/Sisters. Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid
dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo
at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag
dating sa kalokohan.
9. Sunod ang mga Golden Friends. Eto ang
uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo na magkakilala. Sila ung lumipas at
lumipas ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin
silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at
kilalang-kilala ka na.
10. At sa wakas ay ang Tunay na Kaibigan.
Sila ang kaibigan na pinakarare sa lahat. Daig pa nila si spiderman kung
tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at
walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi
nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na
bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento