Martes, Setyembre 29, 2015

TIPS PARA MALAMAN MO CRUSH KA NG CRUSH MO,,


Paano mo malaman na gusto ka din ng crush mo? Kailangan mong alamin kung anung katangian meron ka sa pamamagitan ng pagtatanong sa ’yong mga kaibigan, kung ano ang nagustuhan nila sayo. Magtatanung ka din sa ibang taong nakakakilala sayo for second opinion. ‘Pag alam mo na ang mga katangian meron ka na wala sa criteria ng crush mo huwag mo nang piliting magustuhan ka dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Hindi mo kelangang baguhin ang sarili para mapansin ka, dahil darating din ang panahon na makakahanap ka ng lalaking magugustuhan ka kung anung ugali meron ka.

Mga Tips para malaman mo kung type ka niya

· Body language – Isa sa mga paraan upang makilala ang isang tao. Kapag interested ang tao sayo madalas nakatingin siya habang kayo ay nag-uusap. Tingnan mo din ang paa niya habang kausap mo siya, malalaman mong may gusto siya kapag nakaturo ito paharap sayo.

· Paselos style (Making you jealous) – Isa sa mga senyales na gusto ka , habang kausap sya ng mga kaibigan o kasamahan ninyong babae/lalaki ngunit nararamdaman mo na panay ang tingin sayo. Intensyon niyang pagselosin at mabaling ang atensyon mo sa kanya.

· Eye Contact – Tingnan mo maigi sa mata ang taong gusto mo habang kayo’y magkausap. Kapag lumaki ang pupil ng mata ibig sabihin type ka niya, dahil ang isang tao kapag may gustong bagay lumalaki ang pupil ng mata nito.

· Hulog Style – Isa sa mga paraan ang pag-hulog ng anumang bagay sa harapan o pag-dumaan ang crush mo, kapag pinulot niya at inabot sayo ibig sabihin crush ka niya. ( huwag laging mag-assume na gusto ka agad dahil pwede ding mabait lang ang crush mo).

· Text and Call - Malalaman mo na type ka ng lalaki/babae kapag nag-reply agad at gumagawa ng paraan para makapag-reply ka sa kanya. Kung Question and Answer lang ang nangyayari sa inyo at ikaw ang taga-tanung kelangan mo ng tigilan ang paghahanap ng paraan para mapansin ka, lalong-lalo na sa mga babae. Laging tandaan kapag gusto ka niya laging may oras sayo para magtext o mag-reply ng message mo. Malalaman mo din na hindi ka gusto ng crush mo kapag nag-text ka ng pagkahaba-haba at reply lang sayo ay “ok”, “ahhh”. Isa din sa mga senyales na interesado sayo kapag nagtext at nangangamusta siya about sa maghapon mo at nagkwekwento tungkol sa buong araw na nangyari sa kanya. Mas mahalata mo na gusto ka niya kapag tinawagan ka. Kapag ang isang tao tumawag sa’yo 11pm onwards, that is a good sign. ( Huwag kang mag-isip na gusto ka niya kapag tinawagan ka regarding lang sa ‘work’ pala).

· Inviting you out -

For women : Magandang senyales kapag niyaya kang lumabas, pero minsan hindi natutuloy ang lakad niyo ng crush mo. Kapag sinabi niya: “Can't make it tonight, sorry.” And nothing else? Not a good sign. Ibig sabihin hindi siya interested sayo. If he says, “Can't make it tonight. Are you free tomorrow instead?” Good sign. That means totoong may dahilan sa hindi pag-tuloy at gusto niya pa din lumabas kayo. Kapag ang lalaki nangako na magkita kayo at pagdating ng oras ng pagkikita ay bigla na-cancel ulit, wala siyang pakialam sayo.

For men: Para sa mga lalaki malalaman mo na attracted sayo ang girl kapag niyaya mo siyang lumabas at ang sagot “ I agreed to go out with you”. Minsan may mga babae na ayaw ipahalata sa lalaki na may gusto sya dito kaya ang nagiging sagot “ Titingnan ko”, kapag pumayag din sa bandang huli ibig sabihin type ka ng babae. Pero minsan ang sagot na “Titignan ko” ay paasa lang. Ibig sabihin ayaw niyang lumabas kasama ka at nahihiya lang siyang i-reject ka ng harap-harapan. For the second date kapag pumayag ulit ang girl na lumabas kayo, malaki ang chance mo, kapag nagdadahilan na sayo, pwedeng may ginawa ka na ikinaturn-off niya na hindi mo lang napapansin. Dapat mag-ingat ka sa first date nyo para iwas basted ng maaga. Kung ang girl may kasama sa first date niyo, ang dahilan ay nahihiya lang sayo at natatakot na baka anung gawin mo sa kanya. Pwede ding hindi ka talaga niya gusto.

· Hanging out with friends – Sa isang okasyon kung magkasama at magkatabi kayo ng crush mo at feeling awkward siya, kagaya ng pag-distansiya sayo kapag andyan ang mga katrabaho o kaibigan mo (para hindi kayo magmukhang mag-partner), maaaring hindi ka niya type. Malamang may gusto sayo ang crush mo kapag proud siya kinakausap ka sa harapan ng mga kaibigan niya at lagi kayong magkatabi sa party, dahil proud siya sayo.

For Women: Iba’t-ibang uri ng ugali meron ang mga lalaki, may mga lalaking pinaparamdam agad sa babae na may gusto siya dito. May lalaki din na mahiyain , nahihiyang lapitan ang babae para kausapin at nagkakasya na lamang sa pasulyap-sulyap. In short, Torpe. May mga lalaki din na dinadaan sa suplado effect kapag gusto niya ang babae. Laging galit ito sa babae at pamimintas ang ginagawa, para maagaw ang atensyon ng babae. At higit sa lahat, para itago ang nararamdaman sa babae.

For Men: Minsan may gusto sayo ang babae kapag suplada effect siya, like deadma ka niya pag-andyan ka, yung tipong parang hindi ka nag-eexist. Kapag type ka niya, hindi ito makatingin ng diretso sayo. Kapag naman magkaharap kayo habang nag-uusap, hindi siya mapakali sa pagkakatayo/pagkakaupo. Pagdating sa pag rereply ng text, may mga babae na hindi agad-agad sumasagot sa text. Gusto malaman ng babae kung magtetext pa ba ulit ang lalaki. Dahil gusto malaman ng babae, kung seryoso ba talaga at matiyaga sa kanila ang lalaki. (Pero kung mahigit sa 3 beses na text mo at hindi nagreply ang babae, talagang hindi ka type nito). Mahalata mo din na gusto ka ng girl, kapag niyaya ka niyang lumabas kasama ng kanyang mga kaibigan, lalo na kung mag-partner kayo sa lakad ng grupo. May mga babae din na likas sa kanila ang pagkadalagang pilipina kaya dapat matiyaga ang lalaki pagdating dito.




ANG PINAGKAIBA NG MADISKARTE SA MATALINO..


Siya: Ano po pinagkaiba ng matalino sa madiskarte?
Ako: Para sakin kasi talino makukuha sa eskwelahan at ang diskarte ay sa karanasan.
Siya: Eh pano po yung mga di nakapag-aral sa eskwelahan? Edi madiskarte sila. So di dapat sila tawagin na matalino?
Napaisip ako, sobrang napaisip ako. Sabi ko sa sarili ko ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng taong matalino at taong madiskarte? Kung may mga hindi nakapag-aral sa eskwelahan pero umaasenso rin ang mga ito at may mga mararangal na trabaho.
Medyo mag pagkapareho kasi ang Matalino at Madiskarte diba? Kasi hindi mo naman maiisip ang mga tamang diskarte kung hindi ka rin matalino. So lumalabas ang pagkadiskarte mo kapag matalino ka rin.
Kapag sa paaralan kasi ang pinag-usapan more on academic lang naman talaga kasi, pero yung diskarte eh yung hango mo sa tunay na buhay. May mga estudyante nga na sobrang diskarte eh, yung diskarte paano mangongopya, diskarte paano mangongodigo. Basta para sakin ang ibig sabihin ng diskarte eh yung paraan paano malusutan ang problema. At ang katalinuhan eh dedepende sa taong may hawak nito. Lahat naman kasi ng tao matalino eh, hindi lang nagagamit ito dahil tinatamad lang ang mga tao.

Lunes, Setyembre 28, 2015

MAGMAHAL NG TUNAY..



I CHOOSE THIS VIDEO COZ IT CONTAINS MORAL LESSONS FOR ME.TAMA NAMAN PASAYAHIN AT MAHALIN NIYO NG TUNAY ANG TAONG DUMATING SA BUHAY NIYO AT NAGPAPAKATOTOO SA INYO TULAD NG LOVETEAM NA GANITO.

AT ISA PA KAHIT KAIBIGAN LANG... ITURING NA PARANG KAPATID.MASAKIT KASI PAG KAIBIGAN LANG ANG TURING SAYO.MAGANDA DIYAN KABIGAN NA MAY TURING LIKE KAPATID.MAY KASABIHAN KASI "IWASAN ANG TAONG TURING LANG SAYO AY KAIBIGAN".

BAKIT KO NASABE PANGET ANG KAIBIGAN LANG ANG TURING.

KASI SABE NILA PAG ANG ISANG TAO "KAIBIGAN LANG" TURING SAYO.
MINSAN KASI ANJAN YUNG LALAPIT LANG SIYA SAYO PAG MAY KAILANGAN LANG
SAYO.AT ANDIYAN DIN YUNG POINT NA PWEDE KA SIRAAN AT PLASTIK SIYA SAYO.PARA SAKIN MAG KAIBA ANG  KABIGAN NA MAY TURING KAYSA SA KAIBIGAN LANG.MAGANDA KASI PAG MAY TURING SAYO.ANJAN YUNG KUNG ASAN SYA ANDUN KA DIN.KAHIT BUSY KA.KUKULITIN KA NYA PARA SAMA KA NYA..

AKO PAG ALAM KO KAIBIGAN LANG TURING SAKIN NG TAO INIIWASAN KO.LIKE WHAT I SAID.IWASAN ANG TAONG TURING LANG SAYO AY KAIBIGAN LANG

10 URI NG KAIBIGAN

"10 URI NG KAIBIGAN"
marami na akong kaibigan..
ngunit sa kasalukuyan, wala akong matalik na kaibigan..
ano nga ba ang kaibigan…
paano mo malalaman kung ang isang tao ay isang tunay na kaibigan?
ito ba ay yung mga kaibigan mo na nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay?
ito ba ay yung matagal mo nang naging kaibigan?
ito ba ay yung laging kang kinukunsinte sa lahat ng bagay?
ano ba ang kaibigan?
ito ba ay yung taong lagi mong kasama?
o eto yung taong hindi nang-iiwan at palaging nandyan hindi para sumang-ayon sayo, kundi para tulungan ka bilang isang maging mabuting tao…
sabi ng guro ko sa values, wag ka daw magagalit kung ang kaibigan mo ay pinagsasabihan ka sa ilang mga bagay..dahil ito daw ay ang mga taong totoo sayo..ito yung mga kaibigang gusto kang mapabuti….
sa aking paghahanap sa tunay na kahulugan ng kaibigan ay iba ang aking nahanap…natuklasan kong mayron pa lang sampung uri ng kaibigan….
1. Simulan natin sa Kaibigang Artificial. Eto ang mga taong tinatawag na “Plastik”. Sila ay kasing kunat ng plastik cover ng long brown envelop. Sila ang iyong mga kaibigan pag nakaharap lang at pag nakatalikod ay wala nang pakialam. Madalas kang makakarinig ng magagandang salita galing sa kanila. Sila ung magsasabi na magaling ka, kahit alam na ng marami na mahina ka doon. As in “Over na”.
2. Sunod ay ang Kaibigang Talangka. Eto ang uri ng kaibigan na may pag iisip na “Crab Mentality”. Sing liit ng crab ang utak nila kung magiisip sa kapwa. Sila ang mga no.1 fan mo, at sila rin ang no.1 na magbaba sayo. Sila ang kaibigan na ayaw mahigitan o ayaw kang sumikat. Natatakot silang mapagiwanan. Gusto nila kung saan ka magaling ay magaling din sila. Hindi sila nagpapahuli maliit man o malaking bagay yan.
3. Di rin mawawala ang mga The Parasites. Sila ang kaibigan na may linyang “kapit sa matatag” Sing tibay nila ang Buldog super glue kung dumikit. Ikaw ang positive at sila ang negative. Kung sa sentence sila ang independent clause. Sila ang kaibigang lalapit sa oras ng gipitan, magiging malambing kung kinakailangan at mambobola. Hindi sila mabubuhay pag wala ang tulong mo. Magiging kaibigan mo sila sa mga oras ng pagkakaipit. Pag nakuha na nila ang kailangan nila ay mawawala na sila.
4. Sunod ang mga Bodyguards. Eto naman ang uri ng kaibigan na laging bumubuntot sayo. Mas matibay pa sya kay robin kung dumikit kay batman. Sila ang kaibigan na namimili ng pakikisamahan. Gusto nila ay ang mga gwapo, siga, astig, mayaman at sikat. Naisip nila na pag nakisama sila ay magiging “cool” na rin sila. Galing noh.
5. Ang isa pa ay ang mga Ka-i-bi-gan. Sila ang kaibigang daig pa si Romeo manligaw kay Juliet. Hindi nila hanap na maging kaibigan ka, kundi mas matindi pa dun. Sila ang mga dakilang manliligaw. Sila ang iyong kaibigan na may malalim na pagtingin sayo.
6. Sunod ay ang mga The Mushrooms. Eto ang uri ng kaibigang na may ugali na parang kabute. Sing tigas ng mukha nila ang bakal at hindi sila tintablan ng kalawang. Sila ang mga kabigang nagpapakita pag may birthday, binyag, kasal, swimming, outing at kung anu-anu pa mang espesyal na okasyon. Magugulat ka na lang at tatawag sila sayo at magtatanong kung pwedeng sumama sa mga lakad mo ng “libre!”
7. Syempre ang mga The Traitors. Sila ang kaibigang nang-iiwan ng kaibigan. Daig pa nila si terminator na mag terminate ng kaibigan. Sila ang mga kaibigan sa iyong mga paningin. Sila ang mga kaibigan mo pero hindi ka nila kaibigan.
8. Ang mga Brothers/Sisters. Sila ang kaibigang itinuturing mo na parang kapatid dahil napamahal na siya sa iyo. Sila ang mga kaibigang nakakatanda sayo at mapag kukuhanan mo nang matinong payo. Hindi ka rin bibiguin nito pag dating sa kalokohan.
9. Sunod ang mga Golden Friends. Eto ang uri ng kaibigan na sobrang tagal nyo na magkakilala. Sila ung lumipas at lumipas ang panahon ay hindi ka kinalimutan at nanatili mo pa rin silang kaibigan. Sila ang lubusan mong mapapagkatiwalaan at kilalang-kilala ka na.
10. At sa wakas ay ang Tunay na Kaibigan. Sila ang kaibigan na pinakarare sa lahat. Daig pa nila si spiderman kung tumulong sa iyo. Sila ang kaibigan na kahit nakatalikod ka man at walang nakatingin ay kaibigan mo pa rin. Sila ang kaibigang hindi nakakalimot kahit tumanda na kayo. Sila ang nag-aangat sa oras na bumabagsak ka at sila rin ang nagpapasaya sa oras na malungkot ka.

PAANO MALALAMAN NA SERYOSO ANG CRUSH MO SAYO?READ

1. Interesado siya sa lahat ng bagay tungkol sayo.May mga taong maka-text ka lang okay na kahit pa sobrang walang kwenta at napaka walang sense yung pinag-usapan niyo, para sa kanila okay na yun basta masabi lang nilang nag effort sila na i-text ka. Mayroon pang iba na kakausapin at maalala ka lang kapag may kailangan sila. Please! Guys and girls don’t entertain those people. Malalaman mong seryoso siya sayo kapag interesado siya sa mga bagay at tao na nakapaligid sayo. Yung tipong aalamin niya pati ang history ng pamilya mo, ilang years na kayong nakatira diyan sa bahay niyo, saan probinsiya mo at saan ka ipinanganak. Kadalsan ang mga taong to ay sobrang kukulit sa text, call or kahit sa personal. Unting patience lang ang kailangan, ganyan lang sila dahil yan ang way nila para mas makilala ka at malaman nila kung ano ang gusto at ayaw mo.

2. Unlimited Call and TextSabi nga ni Daniel Padilla “Love is everywhere, UNLIMITED and FREE” Kahit pa parehas kayong busy sa school or sa work he/she will make sure na may oras padin siya na mag-text sayo or i-update ka. Ang taong seryoso hindi niya gugustuhin na mawalan kayo ng communication. Dahil para sakanila hindi dahilan ang pagiging busy para mawalan kayo ng time sa isa’t-isa.

3. Focus ang attention niya sayo pag nag sasalita or nag kwe-kwento kaMakikita mo lang ‘to pag mag kasama or magka-date kayo. Once na nag start ka na ng conversation at nakabaling sa iba ang mata niya for sure ang taong yan ay hindi seryoso sa’yo. Pero ang taong totoo ang pagmamahal sa’yo kahit pa ang pangit ng deliberation ng kwento mo at nauutal-utal ka pa okay lang yan sakaniya nakatitig lang yan, nakikinig ng mabuti sayo at fino-focus ang buong atensyon niya sa’yo.

4. Open siya sayoOpen siya sayo sa lahat ng bagay ma pa Friends, Family or kahit ano. Ikwekwento niya agad sa’yo kung may problema siya or kung masaya siya. Hindi siya nagtatago ng secret sayo. Kahit alam niyang hindi ka interesado sa sasabihin niya ikwe-kwento padin niya yan sa’yo.5. He/She keeps on imagining the future with youMahilig siyang mag visualize ng future. Like, 5 to 10 years from now ganito na siya or ganyan na siya. Gusto niya planado at plantsado na ang future niya. Sa tuwing nag pa-plano at nag-iimagine siya ikaw ang laging nasa isip niya. Korni man pakinggan pero sweet naman.

5. He/She keeps on imagining the future with youMahilig siyang mag visualize ng future. Like, 5 to 10 years from now ganito na siya or ganyan na siya. Gusto niya planado at plantsado na ang future niya. Sa tuwing nag pa-plano at nag-iimagine siya ikaw ang laging nasa isip niya. Korni man pakinggan pero sweet naman

6. SWEET Malambing siya sayo. Sweet, pero hindi clingy. Yung tipong tamang pa-kilig lang unting banat unting jokes para mapasaya at mapangiti ka. Sweet pero hindi PDA or Public Display of Affection tamang HHWWPSSP or Holding Hands While Walking may Pa-Sway Sway Pa ang eksena niyong dalawa

7. Affected much " :D :D Seryoso ang tao sa’yo kapag sa tuwing magkakatampuhan kayo eh siya pinaka na-aapektuhan. Bakit? Kasi hindi niya gusto yung mga nagyayari sainyo or ayaw niyang magka-away kayo. Gusto niya na palagi kayong magka-ayos. Minsan nadadala niya yun pati sa work at school yung tipong hindi niya magawa ng maayos ang isang bagay at hindi niya mai-focus ang sarili niya dahil ikaw, ikaw at ikaw at ang problema niyo ang nasa isip niya.

8. Pag pinakilala ka na sa Parents niyaThis is the last and the most important thing. Once na ipinakilala ka niya sa parents niya for sure he/she is dead serious. Gusto niya na maging legal ang relationship niyo. Dahil mas masarap sa feeling ang walang itinatago lalo na sa parents mo. Wala namang masama kung sasabihin mo eh at least updated din ang parents mo sa love life mo. Seryoso siya sayo pag Loud and Proud niyang ipinagsisigawan sa mundo kung gaano ka niya ka mahal. Alam nating lahat na mahirap na talaga makahanap ng taong seseryoso at mag mamahal sa atin ng totoo, yung taong iintindi sayo at tatanggapin yung buong pagkatao mo sa likod ng kabahuan ng hininga mo. Sa generation kasi natin ngayon sobrang pu-pusok na ng mga tao, In short yung iba sa atin mga atat mag mahal at uhaw na uhaw na mag ka bf/gf kaya balewala nalang sa iba kung mag seseryoso ba sila o hindi. Isipin mo nalang kung sino pa yung mga taong pampalipas oras lang ang agad-agad na pag hanap ng love life eh sila pa yung umaarangkada. Pero, yung mga taong seryoso sa buhay sila pa yung hindi nabibigyan ng chance.

Martes, Nobyembre 11, 2014

MGA DISKARTE SA BUHAY

Image Source: williamrodriguez11.blogspot.com
Hindi kaila na sa panahon ngayon kailangan nating mabuhay, ngunit dapat sa tamang pamamaraan. Hindi dahilan ang kahirapan upang hindi tayo mabuhay. Para-paraan lang yan para tayo guminhawa at matugunan ang ating mga pangangailangan, maging ng ating mga mahal sa buhay. Kung hindi mo kaya ang trabahong pisikal, mabigat at hindi mo nakasanayan, dapat mong gamitin ang iyong talino o ang iyong talento. Paganahin ang iyong isip sapagkat malay mo, sa pamamagitan ng iyong kakaibang talento, talino at kakayahan maaari mong mahigitan ang iba o malampasan ang kahirapan.

Marami ang puwedeng pagkakakitaan ngayon. Nariyan ang internet upang tulungan kang makahanap ng iba't ibang idea o paraan ng mga mapapagkakakitaan. Nariyan yung tinatawag ngayong blogging. Tulad nitong ginagawa ko. Sa totoo lang karamihan sa atin ngayon ay nawiwili na sa pagba-blog. Yung iba ay kumikita naman ng maayos lalo na kung magaling silang gumawa ng mga artikulo. Meron namang magaling sa mga bagay na hindi kaya ng ibang tao tulad ng pag-aayos ng computer at kung ano-ano pa. Kaya para labanan ang kahirapan, kilos na at magsimula ka ng gumawa ng paraan!

Sabi nga, hindi makakakain ang tamad. Samakatuwid, dapat tayong kumilos para sa ating ikabubuhay. Dapat tayong magbanat ng buto. Maghanap-buhay para kumita at hindi maging pabigat sa ating bayan. Hindi tayo dapat umasa lang sa ating kapamilya o sa ibang tao, dapat tayong maging self-independent. Hindi sa lahat ng oras ay lagi tayong may masasandalan, malakas at malusog ang pangangatawan. Isipin natin na walang ibang tutulong sa atin kundi tayo sarili natin. Kakain tayo kung kumikilos tayo.
Tulad ko, hindi lang ako umaasa sa iisang linya ng trabaho. Dapat tayong matuto ng lahat ng klase ng trabaho para sa hinaharap. Hindi tayo dapat maging kampante sa mga oras na kaya pa natin o meron pa tayo. Bagkus dapat lagi tayong maging handa sa mga darating pang panahon. Kung may maiimpok, dapat tayong mag-impok. Hindi dapat maging maluho lalo na kung wala naman. 

Ang lahat ng tao ay may kani-kaniyang pangangailangan sa buhay. So, ang mga pangangailangan na iyon ang dapat matugunan, mapa-produkto man o serbisyo. karamihan ngayon ay sunod na sa uso at makabagong teknolohiya kung kaya dapat hindi rin tayo pahuhuli. Ganito na ang labanan sa mundo. Kawawa ang mga hindi interesadong mag-aral o matuto ng mga bagay na nakikita natin ngayon. Ang mga kabataan ay dapat mamulat na sa mga makabagong teknolohiya na ginagabayan ng mga magulang. Turuan silang matutong magnegosyo sa murang edad at turuan maging responsable sa kanilang buhay.