![]() |
Image Source: williamrodriguez11.blogspot.com |
Marami ang puwedeng
pagkakakitaan ngayon. Nariyan ang internet upang tulungan kang makahanap
ng iba't ibang idea o paraan ng mga mapapagkakakitaan. Nariyan yung
tinatawag ngayong blogging. Tulad nitong ginagawa ko. Sa totoo lang
karamihan sa atin ngayon ay nawiwili na sa pagba-blog. Yung iba ay
kumikita naman ng maayos lalo na kung magaling silang gumawa ng mga
artikulo. Meron namang magaling sa mga bagay na hindi kaya ng ibang tao
tulad ng pag-aayos ng computer at kung ano-ano pa. Kaya para labanan ang
kahirapan, kilos na at magsimula ka ng gumawa ng paraan!
Sabi nga, hindi makakakain ang
tamad. Samakatuwid, dapat tayong kumilos para sa ating ikabubuhay. Dapat
tayong magbanat ng buto. Maghanap-buhay para kumita at hindi maging
pabigat sa ating bayan. Hindi tayo dapat umasa lang sa ating kapamilya o
sa ibang tao, dapat tayong maging self-independent. Hindi sa lahat ng
oras ay lagi tayong may masasandalan, malakas at malusog ang
pangangatawan. Isipin natin na walang ibang tutulong sa atin kundi tayo
sarili natin. Kakain tayo kung kumikilos tayo.
Tulad
ko, hindi lang ako umaasa sa iisang linya ng trabaho. Dapat tayong
matuto ng lahat ng klase ng trabaho para sa hinaharap. Hindi tayo dapat
maging kampante sa mga oras na kaya pa natin o meron pa tayo. Bagkus
dapat lagi tayong maging handa sa mga darating pang panahon. Kung may
maiimpok, dapat tayong mag-impok. Hindi dapat maging maluho lalo na kung
wala naman.
Ang lahat ng tao ay may
kani-kaniyang pangangailangan sa buhay. So, ang mga pangangailangan na
iyon ang dapat matugunan, mapa-produkto man o serbisyo. karamihan ngayon
ay sunod na sa uso at makabagong teknolohiya kung kaya dapat hindi rin
tayo pahuhuli. Ganito na ang labanan sa mundo. Kawawa ang mga hindi
interesadong mag-aral o matuto ng mga bagay na nakikita natin ngayon.
Ang mga kabataan ay dapat mamulat na sa mga makabagong teknolohiya na
ginagabayan ng mga magulang. Turuan silang matutong magnegosyo sa murang
edad at turuan maging responsable sa kanilang buhay.